i'm currently experiencing a drought. i had some ideas floating around in my head but i couldn't find the words... so in the mean time, let me post this crudely written Kubori Kikiam fanfic i did some months ago which i had loads of fun writing.
and no, i don't have plans continuing this cliffhanger. or altering it to make it more... presentable.
bahala na kayo.
pardon the profanity, pornography, and really stupid sentence construction. and also the acronyms. and i don't have anything against the UP Paranormal Society... please don't sue me.
Kubori Kikiam, Manny, Benjo and Dodon are properties of its creators and were used with permission (yeah right) from Michael David. Everything else is mine... i think.
***
Kubori Kikiam: Nginig Files
"Maitim na Aura"
Nang minsang napagawi ang ating mga bida sa UP (Unibersidad ng Pila) ...
"Oy Benjo, nagugutom na ko. Nasan na ba tayo? Akala ko ba maraming nakapilang babae at pagkain dito eh ilang oras na tayong naglalakad eh--"
"Tangina Manny, tumahimik ka nga. Eto na o, malapit na tayo sa pagkain... ayun oh, ang daming taong lumalabas ng CASAA" ang sagot ni Dodon na nagtutulo na ang laway at pawis dahil sa gutom at init. Mga ilang oras na rin silang naglalakad sa AS Walk (A-ngdaming S-tudents) habang naninilip sa mga nagdadaang freshies.
"Tama! Pero huminahon ka ng konti Dodon... eyng? Ohmigulay, ayun o PINK!!" ang bulalas ni Benjo sabay turo sa itaas.
Tamang-tama ay may dumaan na pasalungat na tatlong babaeng animo may maitim na balak sa kanilang utak (kasi ang aura nila ay maitim!) at minamata nila ang tatlo nating bida. Hindi ito na-sense ng mga kikiam dahil tamang-tama namang may dumaan na naka-miniskirt sa kanilang ibabaw at alam na natin kung saan sila nakatingin... lingid sa kaalaman ng mga ito na taga Babaylan ang naka-miniskirt na yun.
"Ay! Nahulog ko yung bolpen ko! Wait lang guys."
Sa isang iglap ay nararamdaman na lang ni Benjo na lumilipad sya...
"Huh? Bakit ganito... wait... I'm flying! I'm flying!", sigaw ni Benjo habang nakapikit at umaagos ang luha sa mata...
Natauhan si Benjo na parang may gumuhit na liwanag sa kanyang utak. Nagulat kasi siya nang tumambad sa kanyang paningin ang nagpupumiglas na dibdib ng isang babaeng nakablusang itim at maya-maya lang ay natanaw na nya ang isang mukhang may nakakatakot na ngiti at madilim na balak sa mata...
Saka lang namalayan ni Benjo na siya pala ay napulot na ng isang babaeng maitim ang aura! Ang cute pa man din, kamukha ni Sadako nung di pa sya nalulunod sa balon!
"Bitawan mo ako! Sino ka ba? Wag mo kong kainin! Di ako kikiam, tae ako!", ang bulalas ni Benjo habang nagpupumiglas na parang buhay na... um... kamote.
Ngumiti lang ang babae sa kanya. Ooooh... scary. Waring may nakita ang babae sa gilid ng mata nito kung kaya't yumuko ulit ito na halos tumuwad na...
Dahil hindi naman ganun katanga si Benjo, naisip nyang wala na syang magagawa at tumigil na sa kakapiglas... hahayaan na lang nya ang buhay nya sa kamay ng babaeng tatawagin nya sa pangalang Samara.
At sa pagtuwad ni Samara, nakita na naman ni Benjo ang nagpupumiglas na waring mga buhay na... melon, at bigla nyang naisip ang kanyang dalawang kasama. Tama ang hinala nya; pagkatapos ng ilang segundong pagpipigil sa pagtingin sa kanyang harap ay nakita nya ang Manny at Benjo sa may likuran ni Samara na agos laway at luha na sa kakatitig sa maumbok na puwit ni Samara, na ang tanging tumatakip lang ay puting panty na may pattern na... itim na bungo. *kidlat!*
"Hoy, Lucy! Nakita mo na ba yung bolpen mo? Tara na bilisan mo, may genmeet pa tayo!"
"Nandyan na ko Vizzy!" ang sagot ni Samara na ngayo'y Lucy pala.
Nagtatakbo si Lucy papunta kay Vizzy at sa pagmamadali ay may nahulog na flier mula sa bag ni Lucy. Eto namang si Benjo ay kahit na alanganin na ang kahihinatnan ng kanyang buhay ay taimtim namang nagdarasal ng pasasalamat para sa nagba-bounce na tanawin na kanyang nakikita sa mga minutong iyon...
Samantala, mga ilang minuto ring nakatanga sa kawalan si Manny at Dodon ng maalala ni Manny na nagugutom nga pala sya.
"Wow. Hanep yon, ang bilog-bilog! Benjo, tara kain na tayo... Benjo?"
Nagpaikot-ikot si Manny sa kakahanap kay Benjo na parang nagsasayaw na... marshmallow, habang si Dodon ay nakatanga pa rin sa kawalan...
"Ang bilog... pakwan... yum! *slurp*", ang binabanggit ni Dodon habang parang asterisk ang mata at naglalaway... *Whapakk!*
"AY PUTANGINA!!! Sinong sumapok?!? Sinong sumapok?!?... powtah", ang nagitlang sigaw ni Dodon habang hinuhugot ang kanyang sandata...
Kinalabit ni Manny si Dodon.
"Hindi ako ang sumapok... pero nawawala si Benjo. Nasa kanya ang pera, pano na tayo kakain?"
"Hah? Tangina, malaking problema to...teka anhin natin ang pera", ang sabi ni Dodon na hinihimas ang ulo.
Sinuri ni Dodon ang paligid. Habang inililingon nya ang kanyang ulo ay ginagalugad nya ang pinakamalalim na dulo ng kanyang utak para sa alaala ng nakalipas na kinse minutos...
Nakita ni Dodon sa gilid ng kanyang mata ang flier na nahulog mula sa bag ni Lucy. "Hmm... wala iyon kanina.", naisip ni Dodon. Pinuntahan nya ito at ito ang kanyang nabasa:
Ikaw ba ay ginagambala ng masasamang pangitain sa tuwing sasapit ang dilim? Ikaw ba ay nakakakita ng mga bagay na nagdudulot ng bangungot? Kung gayon, halina't sumali sa Paranormal Association, orientation mamayang 7pm sa PH111... magdala ng belo, rosaryo at isang kwintas ng sampaguita. Hanapin si Lucy, Vizzy or Mindy. Tara na... gumagabi na.
"Tanginang haba ng flier na to... Manny, san ka na?"
"Dodon, subukan mo to mukhang masarap... alam mo na kung saan si Benjo?", ang tanong ni Manny na lumalapit tangan ang isang gagambang Chem-Pav
"Oo. Dito, sa rm 111 mamayang 7pm. Malakas ang kutob ko.", ang matigas na sagot ni Dodon...
"Pano mo naman nasabi na nandyan nga siya mamaya... *ngasab!*", tanong obviously ni Manny.
Kaunting katahimikan... waring nagdidilim ang paligid at umiihip ang hangin...
"Kasi... naramdaman ko... ang maitim na aura sa flier na ito." ,ang pabulong na sagot ni Dodon na namumuti at nanlilisik ang mata...
Tanging ang nguya lamang ni Manny ang bumasag sa katahimikang nanaig...
No comments:
Post a Comment