Monday, February 28, 2005

Makamandag; Luna; Belated Haberdi Meian :) ; Swak!; Pakikiramay

Patawad po sa lahat ng sumusubaybay sa aking munting tahanan. Salat po ako sa kuwento (pero sa totoo hindi, tinatamad lang) at medyo nawalan ng momentum simula nung masira 'yung modem ko (na ayos na ngayon... ayuz).

Pansin kong dumami ang bisita ko. Ewan ko ba sa inyo, sabi nga ni Persia, kahit daw ganito ako matinik daw ako. Makamandag. Pero malamang hindi iyon ang dahilan kung bakit madami akong bisita ano? Hindi? Hindi nga?

Sus ko. Paramdam naman po kayo, may comments naman tsaka Tagboard dyan sa tabi. Sige na, dumadami nga ang numero ng counter ko, wala namang nagpaparamdam.

^___^

Speaking of pagpaparamdam, napansin niyo ba yung buwan nung mga nakaraang araw? Wala lang... kakaiba ano? Bilog na bilog, tapos kulay orange, tapos ang laki-laki. Dinudugo yata ang diyosang si Luna.

Nung mga panahong nagbabadya ang buwan, maraming kakaibang nangyari. Doon sa CLC, si Precious eh nakaramdam ng mga nagpaparamdam. Yung mataray na Volvo ni Abbey, nagre-recline mag-isa ang upuan. Tapos may nakita pa raw na anino si Precious sa pagitan ng anino ng mga gulong nung Volvo na dapat hindi naman nandun. Yan tuloy, nag-freak out si Herbie.

Ewan ko ba sa mga taong ito. Kung anu-ano ang nararamdaman.

^___^

Nag-birthday nga pala si Meian nung February 24. At siyempre hindi ko siya nagawan ng Photoshop-ped thingie dito sa blog ko. Di bale, sa susunod na post, mag-upload ako ng pic featuring her pang-debut flowers na binili pa ni Tricia sa kung saang lugar na dapat twelve roses pero eleven na lang dahil kinain ni Crismar ang isa. Tapos makikita niyo rin ang pang-sinigang na kutis (kutis labanos, according to Ryan Barsolaso) ni Meian.

Peace po Meian. Labshu. Belated Happy Birthday. :)

^___^

Tuwa nga pala ako at binigyan ako ni Fr. Jboy ng isang song nakakantahin na swak sa boses ko. Ito po ay ang Sa Ihip ng Hangin na kasama sa album na Hangad! Acappella na kinanta ng Hangad (obviously).

By the way, congratulations to Hangad for releasing their newest album, The Easter Journey. You can view the press release here.

Mabuhay ang Jesuit Music Ministry!

^___^

Nakikiramay po ako sa mga iniwan ng kanilang mahal sa buhay sa nakalipas na linggong ito. Kay Alva , Jonar, Audrey, Flo at Mabelle, ang mga panalangin ko ay inaalay ko sa inyo at sa inyong mga kapamilya.

Thursday, February 17, 2005

Phantom of Starbucks Katips



Wah! Ang crude. Sana magustuhan mo Abbey. Sana din gumaling ako sa Photoshop. Salamat sa libre. :)

Monday, February 14, 2005

Mainit Ang Ulo Ko Part 2; Happy Heart's Day!

Hay... kasasabi ko lang na "I love my Lola" sa last entry ko pero kahapon naman eh napuno na ako.

Oh well, sa mga tuliro na sa oras, kahapon ay Linggo at Valentine's Mass sa UP Chapel ng 11am. Siyempre, dala ko sina Mama at Papa at pinagsuot ko rin sila ng pula. Bakit pula at hindi itim ng gaya ng sabi ko dati? Kasi etong si Fr Jboy eh may pakulo na naman: Lahat daw ng nagmamahal ay dapat nakapula at may blessing ng couples (both married and soon-to-be one) kaya ayun. Nakapula kaming lahat.

Nakakatuwang maraming nagmamahal ng araw na iyon dahil ang daming nagsimbang nakapula. At napaka-sweet pagmasdan ng mga mag-asawa at magkasintahan; sa choir nga namin eh nakapula din si Celina tas yung BF nya. Tapos etong si Victor naman, may dala pang flowers para sa GF nya! Hay... pag-ibig. Sige na nga, sana pag sinuwag kayo ng toro, slight lang ang maramdaman niyong pain.

Anyway, hindi ito ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ko kahapon eh. Si Lola kasi, tatlong araw na akong hindi tinatantanang sabihan na umuwi naman daw ako ng maaga. Tapos ok lang sana kung sa akin lang eh, makakaya ko; but no, lahat na yata ng kamag-anak namin eh alam na hindi siya nakakatulog dahil hindi ako umuuwi ng maaga pag gabi. E nagkataon lang naman yun isang gabi napaaga siya ng tulog (mga 6pm yata) tapos nagising siya sa gabi tapos narinig niya akong dumating, at isang beses lang yun nangyari this week (the next day, maaga na akong umuwi and the day after, hindi na ako umalis ng bahay), pero hindi e, the next three days eh yun na lang ang bukang-bibig niya na parang wala na akong ginawang ibang mabuti...

Pero may valid reason naman ako. Talaga namang 8pm to sawa ang rehearsals namin. Tapos pag ginagabi naman ako, hinahatid naman ako ng kotse. But no, sabi ni Lola, kahit na daw, marami daw kasi siyang napapanood na nadidisgrasya dahil sa bilis ng pagmaneho and all that. Gusto ko ngang sabihin na most naman ng napapanood niya eh sa Highway nangyayari at hindi sa Aurora Blvd, tapos hihiritan ko na rin sana ng, "Lola, VOLVO ang naghahatid sa akin. World's safest car", pero baka masampal lang ako non at palayasin. Come to think of it, gusto na rin yata niya akong pauwiin ng Lucena City dahil nga hindi siya makatulog; kung puwede lang talagang umuwi, gagawin ko, kung mabibitbit ko lang ang choir and all, pero wala siyang kasama kundi si Ate at ang mga residente naming ipis kaya ayaw ko rin naman umuwi.

Hay... naiintindihan ko naman si Lola eh. Nung college kasi ako, 7pm pa lang nasa bahay na ako. Kung gabihin man ako nun, hindi araw-araw, minsanan lang sa isang buwan. So siguro hindi lang niya maintindihan kung bakit hindi pwedeng hindi ako uuwi ng maaga.

Oh well, I still love my Lola. Kaninang umaga, hinalikan ko siya at binati ng "Happy Heart's Day" at kita naman sa mukha niya na masaya siya. At inihiram ko pa siya ng Mga Munting Tinig para may mapanood siya kaya't naaliw naman siya ngayong hapon. Pero siyempre wala na naman ako ng bahay ngayon...

Promise, uuwi ako ng maaga.

X___X

Baka mapunta kayo sa UP Diliman tonight, simula na ng UP Fair. Rakenrol na naman 'to magdamag!

Pero pupunta lang naman kami dun ng mga kaibigan ko kasi wala kaming mga date ngayong Valentine's Day (HuHuHu... Ang puso kong sawi). At uuwi ako ng maaga. Bah! Ayaw ko namang mapalayas ng Lola.

So sa mga walang date, kitakits!

At sa mga meron: suwagin sana kayo ng toro! Pwede ring Tamaraw FX o kaya Revo.

JoKe lang po. Magmahalan tayong lahat. =)

HAPPY HEART'S DAY!!!

Sa uulitin... Kiss niyo ko. =P

Saturday, February 12, 2005

Mainit Ang Ulo Ko; I Love My Lola :)

Kakarating ko lang galing practice. For some reason mainit ang ulo ko. Siguro dahil na rin sa pagkanta ng nakakakabag na "Silang Nabubuhay Sa Mundo" na sinulat ni Levi Celerio. Pero hindi eh...

Nagpagupit ako today. Actually gusto ko ang gupit ko eh. Mukha akong tao at hindi aso o oso. Tapos ang bait-bait pa ng barbero ko, si Mang Ramon, nagpa-shave pa ako pagkatapos. Pero for some reason, I needed reassurance na okay nga talaga ang gupit ko. Pero hindi eh, sabi ni Fr. Jboy eh ang pangit daw ng gupit ko. Tapos 'pag tinanong mo naman ang mga katabi mo eh sasabihin nilang, "Okay lang. Fishing ka..." Bwiset, ang plastic.

Tapos eto pang mga kasama ko araw-araw eh hindi na mapigil ang pang-aapi sa akin. Hindi naman ako pikuning bata eh, sa totoo lang patience is my best virtue, pero kung sa gabi-gabi na lang na ginawa ng Diyos eh relentless na inaasar ka nila tapos may magsasabi pa sa'yong ang pangit ng gupit mo tapos kinakabag ka na sa kakahinga at pakiramdam mo eh sumama na ang kaluluwa mo sa pagbirit sa pagkanta eh ewan ko lang kung hindi talaga iinit ang ulo mo.

Hay... kung hindi ko lang mahal itong mga kaibigan kong ito eh isinumpa ko na sila na sana lalo pang lumaki ang mga "assets" nila nang hindi na sila makapaglakad ng pantay.

Umbagan na ito.

X___X

Papaalis na ulit papuntang Singapore sina Tita Rose and family bukas. Kailangan ko na ulit i-condition ang sarili ko na wala na naman akong makakain sa mga susunod na linggo.

Ang sama ko ba? Sana hindi. Nakakaaliw lang kasi na kapag nandito sina Tita sa bahay eh laging puno ang ref. Siguradong meron kang makakain. Eh nung wala sina Tita rito eh araw araw na isda at de lata ang ulam ko. Tapos nung minsan pang lumabas ako ng umaga para pumunta ng Makati for an exam, sabi ko kay Ate na uuwi ako ng tanghali para makatipid. Tapos sabi ba naman eh wala daw siyang lulutuin para sa akin... so yun. Nag-Yoshinoya ako sa Megamall.

Shet. Ang hirap talaga ng magastos na matakaw tapos wala kang trabaho.

Pero huwag ka, mahal na mahal ko ang mga kasama ko sa bahay, all five of them: si Lola, si Ate Henny at ang mga kasambahay naming hayuff na sina Joey, yung aso namin, Fishy, yung asexual kong isda at yung pusa naming inampon na mahilig mag-decapitate ng mga daga. Wala pa siyang pangalan pero Miming na lang muna sa ngayon.

Kwento lang ako tungkol kay Lola: alam niyo si Lola puro na lang panonood ng drama, pera, at kamatayan ang bukang bibig niya, pero nagagalit yan 'pag hindi ako nag-aalmusal at natutuwa ng sobra-sobra 'pag nagkukuwento ako tungkol sa mga raket ko na kumita ako ng pera. Tapos hindi 'yan nakakatulog sa gabi 'pag di pa ako dumarating dahil sa sobrang pag-aalala. Ganun niya kami kamahal; at eto pa, lahat ng birthday at anniversaries ng mga anak at apo niya eh naaalala pa niya.

Magna-ninety years old na si Lola sa Mayo. I love my Lola. :)

Kanina

Nakaka-miss na tumingala at pagmasdan ang langit.
Kumpara sa pagyuko na puro paa mo lang ang makikita mo na nag-uunahang makarating sa hindi mo alam kung saan...

Haha. Nawala ang train of thought ko. Bwiset.

Nakadungaw ako sa bintana ngayon (actually, dungaw is the wrong term kasi nasa loob ako talaga ng 3rd floor CLC Bldg dito sa Ateneo, nagsusulat sa table at pinapanood ang napag-iwanan ng lumubog na araw.) Ang hirap isulat ng nakikita ko. Basta mula sa vantage point ko e nakikita ko ang mga dahon sa taas ng puno na kakaiba ang kulay sa nasa ibabang bahagi kasi overexposed na sila sa araw. At sa medyo malayo, kita ko ang kung ano pa mang natirang liwanag ng araw na naghahati sa langit sa dalawang bahagi: isang kulay orange at isang kulay blue na unti-unting nagiging purple. Nakakatuwang parang nag-aagawan ang liwanag at dilim... Hindi ko lubos maisip na nandito ako, isang taong takot sa pagbabago, at sa mga oras na ito e gandang-ganda ako sa pagbabago ng langit na pinapanood ko.

Hay... Sabi nga ni Sara, change is good. Change is my friend. Or something to that effect. Sorry Sara, bulok lang talaga ang memory ko.

^___^

Magkahalong pait at tamis pala ang malalasahan mo kapag nangungulila ka sa taong pinili mong iwanan. Parang sex na magkahalong hirap at sarap. (Edit: actually, nung una kong sinulat 'to kanina, may nakasulat pang "double-edged knife" pero hindi swak eh kaya di ko na lang sinama.)

Pero kailangan ito, itong pangungulila... Maaalala mo lahat ng pinagsamahan niyo, lahat ng away at kilig moments, pati yung wala lang moments na magkasama kayo precisely because magkasama kayo. At siyempre makikita mo ang lahat ng bagay na akala mo eh tama na ginawa mo pati na rin ang lahat ng bagay na akala mo naman ay hindi mo dapat ginawa. Puro akala 'no? Ano ba naman talaga ang batayan ng pagiging tama o mali ng ginawa mo kundi ang naging resulta at epekto nito sa kanya at sa lahat ng nasa paligid niya? Di ba?

Tapos.

02112004; 6:38PM

(Edit: I wonder kung merong salita para sa eksaktong oras na naramdaman mo ang sakit at sarap ng magkasabay?)
(Edit ulit: Ay shit. Alam ko na. :D)

Wednesday, February 09, 2005

Suwagin Man Ako Ng Toro; Presto! 300 Agad; Truly Single; Pang-nginig 'To Pare; Adik; Lucky Color

Sira ang modem ko... Alam niyo ba 'yon?

Siyempre hindi. Hindi rin naman kasi obvious. Gaano ba naman kasi ako kadalas mag-update ng aking blog 'di ba? Gaano ba kadalas ang minsan?

Kaya eto, nakikigamit ng free net ng Tita ko. Buti na lang taga-P&G siya at libre 'to! Isinusumpa ko, mararating ko rin ang narating ni Tita pagdating ng panahon.

Suwagin man ako ng toro.

^___^

While you would probably expect me to be moping from the lack of companies that call me for a job, on the contrary, I already feel like I have a job... And on top of that, I am having so much fun.

Ikaw ba naman na araw-araw lumalabas ng bahay para gumawa ng choir stuff like modules for Liturgical Music Seminars, or hang out with 3 other bums then off to choir practice that lasts until 10 in the evening... Tapos kape!

Ewan ko ba. Kahit ang dami ng trabaho sa choir na ito, masaya ako. It's just something that I really love to do and the people here are some of the warmest, fun-loving, God-fearing and dedicated people I've known.

Pero mataas din naman ang pangarap ko. Hindi naman hanggang sa umalis ako papuntang US sa August eh etong pagkanta na lang ang gagawin ko. Kaya nga naghahanap ng trabaho eh. Kahapon nga, nagturo ako sa isang tutee ni Persia. At presto! 300 agad. Pero sus ko, hindi ako mapakali kagabi at walang alam yung bata! Harinawa naman ay pumasa siya sa Aptitude test niya ngayong araw na ito.

Hay... Sana makanahanap ako ng trabaho! Sana tumawag na ang URC, Canon, P&G, Unilever, o kahit si Elbert!

In the meantime... Kanta na lang muna.

Happiness. :)

^___^

Today is Ash Wednesday.

And a few more days from now is Heart's Day.

It will quite a different Heart's Day for me. This time around I would be truly celebrating it as a single.

But then again, I have Abbey, Persia and Precious to spend the day with jeering at obnoxiously irritating couples in red so it probably won't be so bad. Besides, maraming nagmamahal sa akin (or so I believe).

^___^

Puntahan niyo 'tong blog ni Marco.

May freakingly scary ghost photos na kinuha in some old house in some old province here in the Philippines.

Pang-nginig 'to pare. Puntahan niyo na.

^___^

Adik na naman ako sa PS2. Kapag wala ka nga namang internet at wala ka talagang magawa, tatlo lang naman ang gagawin mo na hindi na nangangailangan ng katakutakot na lakas at pag-iisip: matulog, kumain at manood ng TV.

Sa case ko, maglaro ng PS2. At eto ang pinagsasabay-sabay kong laruin sa mga panahong ito:

Suikoden IV - Isang pagbabalik sa mundo ng Suikoden, at ngayon naman eh sa dagat gaganapin ang malaking parte ng kuwento. Puno pa rin ng nakakalula sa dami na 108 recruitable characters at hitik pa rin sa pulitika at drama. Medyo boring at mabagal lang compared sa Suikoden III pero ok na rin. Basta nandyan si Jeane.

Megaman X: Command Mission - RPG na si X at Zero ang bida. Surprisingly, parang Suikoden ang premise ng kwento: nag-alsa ang mga Reploids sa pamumuno ni Epsilon at nasa kamay nina X at ng mga Resistance forces na pigilan ang Rebellion Army. Kakaiba sa nakasanayan niyong Megaman; turn-based battles ala Final Fantasy X at mission-based pero linear. Acquired taste.

The Lord of The Rings: The Third Age - RPG pa rin. Obviously tungkol sa Lord of the Rings pero sa halip na si Aragorn, Gimli, Legolas at Gandalf ang characters mo, eh mga wannabes na walang personality ang kamalas-malasang magagamit mo. Ang premise eh meron daw isang party (kayo yon) na sumusunod sa Fellowship habang sila'y papuntang Mordor. Wannabes talaga. Pirated. Pirated na nga 'tong DVD na 'to, pirated pa rin ang characters mo. Pero in fairness maganda ang graphics, at makakalaban mo yung Balrog sa Moira na ubod ng hirap sugpuin. Clone ng Final Fantasy X ang battle system.

Prince of Persia: The Sands of Time - Late na ako sa hype. Powtah, ito na ang pinakamagandang game na nakita at nalaro ko sa PS2. Ginanap sa India ang kwento, may mahika, buhangin, palasyo, mga kalabang nakakabwisit sa talino at puno ng Matrix style moves. Lahat ng kayang gawin ni Lara Croft ay magagawa niya (pwera na lang ang manganak) at lamang pa siya dahil kaya niyang maglakad sa dingding. May lahing unggoy ang Prince na ito. Pero ok lang, da best pa rin! Sana matapos ko na 'to.

Sabi ko nga. Adik na naman ako sa PS2.

^___^

O siya, sa susunod na lang ulit.

Tandaan, 'wag magpapasuwag sa toro. Kaya sa Heart's Day, ang lucky color ay itim, habang ang lucky number ay 11. Iwasan ang mga bukid at zoo.

woofy