Monday, February 14, 2005

Mainit Ang Ulo Ko Part 2; Happy Heart's Day!

Hay... kasasabi ko lang na "I love my Lola" sa last entry ko pero kahapon naman eh napuno na ako.

Oh well, sa mga tuliro na sa oras, kahapon ay Linggo at Valentine's Mass sa UP Chapel ng 11am. Siyempre, dala ko sina Mama at Papa at pinagsuot ko rin sila ng pula. Bakit pula at hindi itim ng gaya ng sabi ko dati? Kasi etong si Fr Jboy eh may pakulo na naman: Lahat daw ng nagmamahal ay dapat nakapula at may blessing ng couples (both married and soon-to-be one) kaya ayun. Nakapula kaming lahat.

Nakakatuwang maraming nagmamahal ng araw na iyon dahil ang daming nagsimbang nakapula. At napaka-sweet pagmasdan ng mga mag-asawa at magkasintahan; sa choir nga namin eh nakapula din si Celina tas yung BF nya. Tapos etong si Victor naman, may dala pang flowers para sa GF nya! Hay... pag-ibig. Sige na nga, sana pag sinuwag kayo ng toro, slight lang ang maramdaman niyong pain.

Anyway, hindi ito ang dahilan kung bakit mainit ang ulo ko kahapon eh. Si Lola kasi, tatlong araw na akong hindi tinatantanang sabihan na umuwi naman daw ako ng maaga. Tapos ok lang sana kung sa akin lang eh, makakaya ko; but no, lahat na yata ng kamag-anak namin eh alam na hindi siya nakakatulog dahil hindi ako umuuwi ng maaga pag gabi. E nagkataon lang naman yun isang gabi napaaga siya ng tulog (mga 6pm yata) tapos nagising siya sa gabi tapos narinig niya akong dumating, at isang beses lang yun nangyari this week (the next day, maaga na akong umuwi and the day after, hindi na ako umalis ng bahay), pero hindi e, the next three days eh yun na lang ang bukang-bibig niya na parang wala na akong ginawang ibang mabuti...

Pero may valid reason naman ako. Talaga namang 8pm to sawa ang rehearsals namin. Tapos pag ginagabi naman ako, hinahatid naman ako ng kotse. But no, sabi ni Lola, kahit na daw, marami daw kasi siyang napapanood na nadidisgrasya dahil sa bilis ng pagmaneho and all that. Gusto ko ngang sabihin na most naman ng napapanood niya eh sa Highway nangyayari at hindi sa Aurora Blvd, tapos hihiritan ko na rin sana ng, "Lola, VOLVO ang naghahatid sa akin. World's safest car", pero baka masampal lang ako non at palayasin. Come to think of it, gusto na rin yata niya akong pauwiin ng Lucena City dahil nga hindi siya makatulog; kung puwede lang talagang umuwi, gagawin ko, kung mabibitbit ko lang ang choir and all, pero wala siyang kasama kundi si Ate at ang mga residente naming ipis kaya ayaw ko rin naman umuwi.

Hay... naiintindihan ko naman si Lola eh. Nung college kasi ako, 7pm pa lang nasa bahay na ako. Kung gabihin man ako nun, hindi araw-araw, minsanan lang sa isang buwan. So siguro hindi lang niya maintindihan kung bakit hindi pwedeng hindi ako uuwi ng maaga.

Oh well, I still love my Lola. Kaninang umaga, hinalikan ko siya at binati ng "Happy Heart's Day" at kita naman sa mukha niya na masaya siya. At inihiram ko pa siya ng Mga Munting Tinig para may mapanood siya kaya't naaliw naman siya ngayong hapon. Pero siyempre wala na naman ako ng bahay ngayon...

Promise, uuwi ako ng maaga.

X___X

Baka mapunta kayo sa UP Diliman tonight, simula na ng UP Fair. Rakenrol na naman 'to magdamag!

Pero pupunta lang naman kami dun ng mga kaibigan ko kasi wala kaming mga date ngayong Valentine's Day (HuHuHu... Ang puso kong sawi). At uuwi ako ng maaga. Bah! Ayaw ko namang mapalayas ng Lola.

So sa mga walang date, kitakits!

At sa mga meron: suwagin sana kayo ng toro! Pwede ring Tamaraw FX o kaya Revo.

JoKe lang po. Magmahalan tayong lahat. =)

HAPPY HEART'S DAY!!!

Sa uulitin... Kiss niyo ko. =P

No comments: