Saturday, February 12, 2005

Mainit Ang Ulo Ko; I Love My Lola :)

Kakarating ko lang galing practice. For some reason mainit ang ulo ko. Siguro dahil na rin sa pagkanta ng nakakakabag na "Silang Nabubuhay Sa Mundo" na sinulat ni Levi Celerio. Pero hindi eh...

Nagpagupit ako today. Actually gusto ko ang gupit ko eh. Mukha akong tao at hindi aso o oso. Tapos ang bait-bait pa ng barbero ko, si Mang Ramon, nagpa-shave pa ako pagkatapos. Pero for some reason, I needed reassurance na okay nga talaga ang gupit ko. Pero hindi eh, sabi ni Fr. Jboy eh ang pangit daw ng gupit ko. Tapos 'pag tinanong mo naman ang mga katabi mo eh sasabihin nilang, "Okay lang. Fishing ka..." Bwiset, ang plastic.

Tapos eto pang mga kasama ko araw-araw eh hindi na mapigil ang pang-aapi sa akin. Hindi naman ako pikuning bata eh, sa totoo lang patience is my best virtue, pero kung sa gabi-gabi na lang na ginawa ng Diyos eh relentless na inaasar ka nila tapos may magsasabi pa sa'yong ang pangit ng gupit mo tapos kinakabag ka na sa kakahinga at pakiramdam mo eh sumama na ang kaluluwa mo sa pagbirit sa pagkanta eh ewan ko lang kung hindi talaga iinit ang ulo mo.

Hay... kung hindi ko lang mahal itong mga kaibigan kong ito eh isinumpa ko na sila na sana lalo pang lumaki ang mga "assets" nila nang hindi na sila makapaglakad ng pantay.

Umbagan na ito.

X___X

Papaalis na ulit papuntang Singapore sina Tita Rose and family bukas. Kailangan ko na ulit i-condition ang sarili ko na wala na naman akong makakain sa mga susunod na linggo.

Ang sama ko ba? Sana hindi. Nakakaaliw lang kasi na kapag nandito sina Tita sa bahay eh laging puno ang ref. Siguradong meron kang makakain. Eh nung wala sina Tita rito eh araw araw na isda at de lata ang ulam ko. Tapos nung minsan pang lumabas ako ng umaga para pumunta ng Makati for an exam, sabi ko kay Ate na uuwi ako ng tanghali para makatipid. Tapos sabi ba naman eh wala daw siyang lulutuin para sa akin... so yun. Nag-Yoshinoya ako sa Megamall.

Shet. Ang hirap talaga ng magastos na matakaw tapos wala kang trabaho.

Pero huwag ka, mahal na mahal ko ang mga kasama ko sa bahay, all five of them: si Lola, si Ate Henny at ang mga kasambahay naming hayuff na sina Joey, yung aso namin, Fishy, yung asexual kong isda at yung pusa naming inampon na mahilig mag-decapitate ng mga daga. Wala pa siyang pangalan pero Miming na lang muna sa ngayon.

Kwento lang ako tungkol kay Lola: alam niyo si Lola puro na lang panonood ng drama, pera, at kamatayan ang bukang bibig niya, pero nagagalit yan 'pag hindi ako nag-aalmusal at natutuwa ng sobra-sobra 'pag nagkukuwento ako tungkol sa mga raket ko na kumita ako ng pera. Tapos hindi 'yan nakakatulog sa gabi 'pag di pa ako dumarating dahil sa sobrang pag-aalala. Ganun niya kami kamahal; at eto pa, lahat ng birthday at anniversaries ng mga anak at apo niya eh naaalala pa niya.

Magna-ninety years old na si Lola sa Mayo. I love my Lola. :)

No comments: