10:44am
Materials Testing Rm
QA Dept
GSMI Lucena Plant
Downtime… Eto pala ang nakakaburat sa work. Wala kang magawa. Wala naming net dito sa office, dati meron pero cost-cutting kaya tinanggal. Kakaiba, halos walang deliveries today… 2 deliveries pa lang ngayong umaga, formed carton GMB 700, flat oval bottle 375. Tapos nandito pa si Maam Ancel so dalawa pa kaming walang magawa dito sa office. Tinuruan nga pala niya akong mag-encode ng dimensional analysis ko sa PQMS, tapos iyon, nakapag-encode naman ako. Chicken.
Ngayon, mga 30 minutes na akong nakatunganga lang. Nakakatamad namang aralin yung training manuals namin, puno ng stuff na siyempre ngayon ko lang na-encounter, ayaw ko namang magtanong ng magtanong kay Ate Ancel. Tapos nakakabaliw pa tingnan yung specifications ng products lalo na yung sa labels and caps, ang hirap i-differentiate ng light, standard and dark swatches/color guides. Parang pare-pareho lang.
Color-blind nga yata ako gaya ng sabi ni Deedee.
Buti pa kahapon, ang daming deliveries!
Kahapon, meron pang naiwang deliveries na kinailangang i-record at tatakan from last Sunday. Although yun nga lang, feeling ko nag-accept ako ng stuff na hindi ko naman alam kung mapapanindigan ko kung sakaling for rejection pala dapat. E malay ko ba sa mga defects nun, hindi pa naman ako marunong tumingin. Unang araw ko pa lang yun. Nangangapa pa rin ako sa procedures sa dept, tapos hindi pa ako marunong kumuha ng percent defects. Malay ko pa kung ano yang hitsura ng mga defects nay an. Hay… still have a long way to go… Routine naman yung job eh so ok na siguro a month into the job e ok na ako.
Pero nakakairita man ang job kasi sobrang mabusisi, ok pa naman ako so far tapos sobrang saya at friendly pa ng mga tao dito, lalo na ang mga kapwa ko QA’s although hindi rin ako makapag-bond ng maayos sa kanila kasi puro babae, tapos yung iba pamilyado na kaya puro anak at pagbubuntis ang pinag-uusapan. Hay… as long as mabait sila. J
^___^
Ang tagal naman ng lunchbreak! Shit, nagugutom na ako.
^___^
Hm, hindi pa ako nakakaikot dito sa planta. Hindi ko pa alam kung saan ang mga production lines, kung san ang warehouse… everything. Tapos there might come a time na kapag sa lines na ako naka-assign, I have to inspect the deliveries, the equipments, and the products. Buti na lang may Quality Inspector kami dito, at least siya yung nagco-conduct ng visual inspection ng deliveries instead of us QA’s eh sus ko, kung may around 1200+ pallets na dumating, kelangan nilang mag-inspect ng 26 cases of bottles to look for defects and what not. Iba pa yun sa mga dumarating na 2nd-hand bottles na washed and unwashed! Ang dungis nun na nakakapagod pa! Astig talaga yung si Rommel, yung QI namin. Bait pa, siya kasi yung kasabay ko umuwi kasi kapag papauwi na siya, ibig sabihin wala nang deliveries so pwede na rin akong umuwi. Hehe.
^___^
Meron nga pala akong cute na discovery dito sa office… CD ng Greenwich. Sulat ko dito yung lyrics nung kanta
Ka-Greenwich Kita
Intro:
Kailan lang tayo nagkakilala.
Pero parang super ka-close na kita
Ka-gimmick, ka-text, o ka-tropa
Kaibigan, ang sarap mong makilala
I. Ka-village, ka-tambay, o ka-barangay. Ka-kilay, ka-kulay, ka-height o ka-size
Ka-bus, ka-jeepney, ka-MRT
Sa madaling salita, whoever you may be…
Chorus:
Ka-Greenwich na naman kita
Dito rin tayo nagkita di ba?
Ka-pizza, ka-join ang barkada,
Ka-close ang feeling sa isa’t isa
Ka-Greenwich na naman kita
Ka-hati, ka-share sa iisang pizza
Sarap ka-join bagong ka-kilala
Sarap ka Greenwich
Up to sawa
II. Ka-school, ka-carpool, ka-office, ka-service, ka-joke o ka-chismis, basta’t about showbiz
Ka-FX, ka-floor o ka-elevator
Ka-bonding ang lahat, like never before
^___^
Wah! Siyempre na-miss ko bigla Hunnie ko. Ka-Greenwich ko yun sa tuwing nagke-crave ako for pizza… ka-takawan din at ka-babuyan… Haha! Hunnie, di tayo healthy magkasama. :)
Demo dapat nun ngayon, kaso nagkasunog sa karatig building nung school kaya hindi natuloy. Swerte ng hunnie ko, takot na takot yon eh. Malas lang niya at mahihibang na naman siyang muli sa susunod when it could have been over today. Oh well…
I love you hunnie…
Watch tayo Batman: Begins!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment