Saturday, June 11, 2005

Grabe Pala Ang Buhay Artista

Noong nakaraang linggo, June 5, galing ako sa Pagsanajan kasama ang Canto Cinco para sa pangalawang araw ng shooting ng music video ng O Bayan ng Diyos na kinanta ng Himig Heswita…

Grabe pala ang buhay artista… Nakakapagod! Four ng umaga ang calltime sa Jescom… umulan pa ng malakas ng gabing ‘yon kaya ang putik ng kalye, ang daming debris. Akala ko nga hindi na matutuloy ‘yung shoot pero sa awa ng Diyos, natuloy naman…

Sa isang resort sa Pagsanjan ang shoot. Nakakatawa ‘yun, may banner sa entrance na nakasulat e “Welcome Showgirls” or something to that effect. Nyahaha!
Image hosted by Photobucket.com

Canto Cinco sa Pagsanjan
Fiesta dapat yung set pero pagdating namin ‘dun malayo sa fiesta yung dating kasi parang kulang sa dekorasyon… pero astig kasi kapag nakita niyo yung video, iisipin niyo na oo nga, fiesta nga ito.
Image hosted by Photobucket.com

Sa ilog ang mundo'y tahimik...
Mayroon kasing scene na sobrang laking salu-salo, as in mga taongbayan na nakapalibot sa isang malaking lamesang puro pagkain tapos kumakain at nagsasaya… coolness.

Eighteen (yata) kami nun na pumunta mula sa Canto Cinco. Kami yung “talents” (shiyet… ang sarap pakinggan!). Mga taumbayan ang roles namin… pero wag ka, ang mga taumbayan naming lalaki, ang puputi! Mukhang mga taga-Maynila. May mga pasaway pa sa amin na ayaw magsuot ng duster kagaya ni Persia at Deedee na nagpa-special request pa sa direk.

Image hosted by Photobucket.com

Ilan sa mga taongbayan, left to right, top to bottom: Edz, Patot, Roma, Vic, Eric, Jett, Sheila, Deedee, Persia, Noel M.

Masaya naman ang shoot, nakakapagod nga lang kasi siyempre nasa initan, tapos humid pa nung araw na yun. Siyempre ang daming paulit-ulit na takes, pero ang galing kasi ng mata ng director namin, si Direk Sherman So (na siyang director of photography ng Kampanerang Kuba).
Image hosted by Photobucket.com

Direk So (nakatalikod) plus the Taongbayan Singers

Ang mga role na ginanapan ko eh naglalakad na may hawak na basket ng prutas (hindi birong dalhin kasi may pinya, santol at saging sa basket na yun), nagpipilit na tumutugtog ng gitara (yung souvenir guitars na maliit at apat lang ang string) na nakahiga sa damuhan na may sombrero sa ulo,
Image hosted by Photobucket.com

The Taongbayan Instrumentalists, left to right: Eric, Will, Jett, Rina at ako na nakahiga. If you look closely, dalawa ang aking chin... chubaboy
tsaka taumbayan na tumatawid sa ilog at bumabati sa mga nakasakay sa bangka. Grabe yun, wala dapat akong balak na mabasa pero kasi sa scene, nakaabang kaming mga taong bayan sa magkabilang gilid ng ilog tapos may mga bangka na dadaan sa gitna. E ang kaso, may mga Krung-krung na nakasakay sa bangka na dumadaan din, mga galling sa Pagsanjan falls, tapos yung isang bangkero, sinagwan ba naman kami! Ayun, basang-basa kami nina Deedee, Eric, Roma at Tricia ng tubig. Buwisit yung bangkero na yun.
Image hosted by Photobucket.com

Taongbayan na tumatawid sa ilog, left to right: Eric, Roma, Tricia, Woofy, Patot, Allan, Deedee, Persia
Anyway, meron siyempre sa aming masusuwerte na overexposed sa camera, kagaya nina Eric, Patot, Jett, Sheila at lalung-lalo na si Herbie na siyang naging star! Gumanap siya na isang batang malusog na nanghabol ng manok upang gawing tinola. Hehe.
Kakaiba talaga itong experience na ito. Nakakapagod dahil sa sobrang init, at tagal pero sobrang fulfilling. Sayang nga hindi ko nakita nung isang practice yung partially-edited version ng video pero I'm sure kapag nakita ko 'yun eh sobrang maaliw ako. Wish ko lang ngayon eh sana kasama ulit ang Canto Cinco as talents para sa video ng Kapayapaan. :)

Image hosted by Photobucket.com

Left to right, Top row: Vic, Edz, Celina, Allan, Jayson (Patot), Herbie, Will. Second Row: Precious (Deedee), Sheila, Tricia, Eric Rina. Bottom row: Roma, Persia, Woofy

Canto Cinco na!

No comments: