Friday, July 15, 2005

49 minutes; Huwag Mag-type; Miss ko na ang C5; Bum Society; Farewell; Sprite Ice; Friday na!

4:11 pm
Materials Testing Room
Quality Assurance Dept
GSMI Lucena Plant

Meron pa akong 49 minutes para tumanga, umidlip, makinig sa Vespers 2, magbasa at magsulat. Ba’t naman kasi ganito ang sked ko? 4 pm, wala nang Logistics so wala na dapat deliveries at wala na akong trabaho. But no… Oh well.

^___^

Wala na naman akong maisulat. Sabi ni Neil Gaiman, para sa mga nagsisimula pa lang na manunulat, mainam na magbasa ng magbasa ng mga bagay na hindi mo kadalasang binabasa, tapos ayun, maghanap ng ideya sa paligid… at magsulat ng magsulat.

Huwag mag-type. Magsulat. Kung pwede bolpen at lapis, mas maganda…

Kaya eto, nagsusulat ako sa likod ng lumang labels ng Gordon’s London Dry Gin at alam niyo? Wala pa rin akong maisip na topic na maisulat… Ay. Meron na pala.

^___^

Nakikinig ako ngayon sa Vespers 2… Kung hindi ako nagsusulat ngayon, siguro nakatulog na ako sa saliw ng ihip at kwerdas.

Nami-miss ko na naman ang Hunnie ko, kasalukuyan kasing pinapatugtog ang If I Could Touch You ni Fr. Manoling. ‘Yan ‘yung unang natutunang kanta ni Hunnie at napag-solo na agad siya. Ganda!

Hay… I miss you Tricia… I miss Canto Cinco!

Kagabi kumakanta ako ng The Majesty And Glory Of Your Name para sa mga misa sa linggo. Naaalala ko nung huli akong nag-lunch kasama ang C5, nasa Wok Dis Way kami sa Katips tapos after kumain, kumanta sila (ang C5) ng The Majesty… Hindi ako makasabay at medyo na-sad ako kasi ang ganda-gandang pakinggan at panoorin ng more than 10 people, singing in harmony na lumalabas ng restaurant papunta sa parking lot…

Nakakainggit na nakakabighani na nakakapangulila sa mga panahong isa akong dakilang bum na walang ibang ginawa kundi kumanta…

^___^

Speaking of bums… Wala na. Tapos na ang Bum Society ng C5.

Unang nawala si Persia… isa na ngayong dakilang UMIIBIG na titser sa Mapua.

Tapos ako… Quality Assurer, taga-sukat ng bote, label, carton, caps, crowns, SOB at kung anu-ano pa dito sa GSMI.

Tapos si Tricia… ang aking hibang na hunnie na nababaliw na sa pagtuturo sa mga moth-fearing Povedans.

Tapos eto na… Si Abbey. Lilipad nang patungong US, magpapakadalubhasa sa pag-aaral at pagsusulat ng mga aklat pambata.

Hay… Mami-miss ko ang Abbey na ‘yun. Isa pa ‘yung hibang at adik umibig. As in… Stalker yan! Stalker! Hahahahaha! Biro lang Abbey.

Mami-miss kita talaga… Sobra. Susulat ka sa amin ha? Sulat kamay, wag i-type, para masaya di ba?

^___^

Farewell my dear… I hope someday you’ll find a place where your beauty, which had been long obscured from view, but still emanates with penetrating radiance, will be revealed for all to see and admire…A place where your voice will be heard without having to pass through a wall of silence and ambiguity. May you grow in God’s love and compassion, and may you never forget the power of your voice, our songs and our music.

Always remember that you have a place to come back to, a home, a family that you helped nurture into something quite remarkable, something that God has seemingly planned to use to spread his message of love.

We will miss you… rise from the abyss… soak in the rain…fly with the wind… sing!

^___^

Maiba ako.

Kahit na ka-affiliate namin ang Coca-Cola Bottlers Phil. Inc, I strongly advise you NOT to drink the newly released Sprite Ice if:

(a) It is not ice-cold
(b) You don’t want to feel like you’ve brushed your teeth… tapos hindi ka nagmumog.

^___^

Friday na! At 4:41pm pa lang! Shiyet! 19 minutes pa bago mag-5pm! Sige… magbabasa muna ako.

I’ll see you soon Hunnie… Yipee!

Tuesday, July 12, 2005

Minsan Last Week

0729 AM
Materials Testing Room
GSMI Lucena Plant

Hay… Looks like another boring day with boring routine work. Nakakabobo magsukat. Wish ko lang magka-problem or something para busy ang araw na ito… para makapag-isip. Kasi kapag nagkaka-problem, iisipan mo ng cause pati recommendation, at least nayu-utilize ng KONTI ang pagiging engineer…
Eh kahapon nga ng hapon, walang deliveries so ayun, naggugupit lang ako ng tags para sa training manuals namin. SHIT. Pathetic.

^___^

Break.

Kwentuhan kami ni Ma’am Ansel about movies, Dan Brown and the Catholic Church. Masaya kakuwentuhan itong si Ma’am Ansel. Dami kwento.

May 2 kids siya, si Adeline at Anceline na sobrang cute and pretty kids at masusundan pa ng isa this August. Pinagpupustahan na nga sa QA kung ano ang kasarian ng bata.

Tapos I found out that Nica teaches her kids in pre-school! Small world! Hi Nica!

^___^

Kakaiba talaga gumalaw dito sa GSMI. Papano, pamilyado na ang lahat, maging babae, lalaki o bading. Kung hindi production ang pinag-uusapan kapag lunchbreak, ang topic ay kids o kaya pagbubuntis.

Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa utak ko… di ba Hunnie?

^___^

Hm… Stop muna. Mag-encode lang ako. Babay!

Tuesday, July 05, 2005

Fine Time

I hope we could spend more time together
A few hours is better than never
If we could only make it longer
The whole day would be fine


Ganito na lang ba lagi? Isang araw sa isang linggo… sa dalawang linggo…Hay. Kasama kita buong araw noong linggo at sobrang saya ko. Nakakapawi ng pagod. Dama naman di ba? Dama ko rin naman ang saya mo… Nakakataba ng puso ang pakiramdam na minamahal ka ng isang taong nag-uumapaw sa kabaitan at pagmamahal.

I think its time to clean your car
I’m not home if someone calls
We could go out for a date
We could sing some songs we hate


Why not swim in someone’s pool
Jump a crane 12 stories high
Have a picnic in my room
Sit outside and watch the moon


Nagawa na ba natin 'yun? 'Yung tumambay sa labas at panoorin ang buwan? Hindi pa yata... huli tayong nakaupo sa dilim sa ilalim ng buwan eh nung retreat sa Tagaytay... Ang ganda ng gabing 'yun, medyo marami mang istorbo, kakaiba pa rin ang pakiramdam kapag mahal mo ang kausap mo... kayakap mo...

Naisip ko lang hindi na natuloy yung mga swimming na binalak natin kasama sina Abbey at Persia pero sobrang astig naman yung sa Laguna, yung lumangoy tayo sa ilog, umakyat at naglakad sa putik, sa ilalim ng matinding sikat ng araw at sa huli, ang buhusan ng tubig mula sa rumaragasang talon. Ang sarap mong kasama... ang saya mong kausap... ang galing mong mag-alaga ng mga batang myblue... ang ta-- este, ang sarap mong kasamang kumain. =P

We could drive into the malls
Or stay home and watch TV
I don’t care if we don’t have lunch
Just as long as we have iced tea

I could take you to a film
Hunt for books and magazines
Is that new song out on sale
I think your dress is kinda pale

Nakakaaliw kang kasama sa mall. Tahimik lang most of the time, pinapanood ako o kaya ang mga tao. Tahimik na naglalakad, may bakas ng ngiti sa mga labi. Hindi ka masyadong mahilig magpapasok ng mga shops, o kaya magtingin ng mga damit at magsukat ng sapatos. Kaya minsan naiisip ko kung ok na sa'yo yung magkasama tayo o or bored ka lang sa akin o nahihiya kang magsukat na kasama ako. Kaya pagpasensiyahan mo na ang kadaldalan ko, at pagiging praning ko kasi ang tahimik mo eh. Hehe.

Natuwa ako noon sinabi mong naaaliw ka sa akin nung nag-light up ang mga mata ko after nating pumasok sa isang comic store. Naaaliw naman ako sayo sa tuwing may makikita kang astigin na gift wrapper o kaya makapasok ka sa mga bookstores na maraming children's books o kaya sa isang crafts shop na maraming abubot na pang-regalo. Nanggigil ako sayo at gusto kitang yakapin at kurutin kapag nakakakita ka ng cute na bata or cute na aso dahil ang cute din ng boses mo, biglang tumataas at nagtutunog gigil. Pero alam mo, malakas kang mang-okray ng mga taong nakikita natin sa mall pero hindi masyadong halata...

There are times when disagree
My heart sinks to the sea
I’m always anxious when we kiss and make-up
Please don’t tire of understanding me

Hay... Eto yung ayaw ko. Kapag naiinis ako pag pasaway ka, or naiinis ka kasi pasaway ako. Pero alam mo? Hindi kita matiis, sobra. Kahit na madalas masungit ako at puno ng poot, alam mo namang kahit sitsitan mo lang ako eh tatakbo ako agad papunta sa tabi mo. Ikaw pa eh ang lakas mo sa akin.

Salamat sa pagintindi...

Being with you makes me feel so safe
I don’t care if we go out of town
I don’t care if we sleep all day
Basta’t kayakap ka ay okey

Sana matuloy yung balak nating pumunta ng Intramuros, Manila Zoo, National Museum, Tagaytay at pati na rin yung place na gusto kong puntahan sa San Pablo. Basta, kahit saan, kahit sa Baywalk lang ulit, kasama si Neng, tapos makikinig tayo kay Toto. Ok na yun, basta kasama ka. Iba kasi pag kasama ka, nakakawala ng pagod, nakakaalis ng problema, masaya, masaya, masaya, ngiti mo pa lang ulam na. Ang cute ng dimples mo!!!

A whole week would be fine
A whole month would be fine
A whole year would be fine
A decade would be fine
A century would be fine
Fine fine time
Forever would be fine


Habang buhay? Pwede na yun... sobra.

Happy 2 months Hunnie. :)