Thursday, March 03, 2005

Post-script... C2 Addict; Magandang Dilag

Addict na ako sa C2 Cool & Clean.
Ewan ko ba.
Noon naman eh hindi talga ako fan ng green tea.
Naalala ko pa nga noon, magkasama kami ni Kika tapos bumili kami ng FIC.
Green tea flavor para maiba, trip lang bang tikman.
But no, unang dila ko pa lang sa kulay kulangot na icecream eh ayaw ko na. Yaw to talaga.
Tapos dumating ang C2 Cool & Clean.
Para lang namng tubig na may lasa, 'yung tipong tea bag na naka-tatlong lublob na sa hot water.
Pero trip ko, Cool & Clean daw eh.
Very refreshing.
Naimpluwensiyahan ko na nga ang sistah ko sa pag-inom ng C2.
'Di na rin ito nawawala sa ref namin sa Lucena.
Kayo rin, inom na.

TAPOS

Pahabol na Salita (P.S.) - nung bday ni Meian, bumili ako ulit ng FIC green tea flavor. Para maiba ulit, trip lang bang tikman muli. Ayun, hindi naman pala ganun ka horrendous sa panlasa. Although hindi lasang C2. C2 pa rin.

^____^


Speaking of Meian's Bday, eto na yung pic na pinangako kong ipakikita ko. Behold, ang magandang dilag na may kutis labanos (pang-sinigang!) Heps! Peace tayo Meian, hindi ako ang nagsabi nun.

No comments: