Nakaka-miss na tumingala at pagmasdan ang langit.
Kumpara sa pagyuko na puro paa mo lang ang makikita mo na nag-uunahang makarating sa hindi mo alam kung saan...
Haha. Nawala ang train of thought ko. Bwiset.
Nakadungaw ako sa bintana ngayon (actually, dungaw is the wrong term kasi nasa loob ako talaga ng 3rd floor CLC Bldg dito sa Ateneo, nagsusulat sa table at pinapanood ang napag-iwanan ng lumubog na araw.) Ang hirap isulat ng nakikita ko. Basta mula sa vantage point ko e nakikita ko ang mga dahon sa taas ng puno na kakaiba ang kulay sa nasa ibabang bahagi kasi overexposed na sila sa araw. At sa medyo malayo, kita ko ang kung ano pa mang natirang liwanag ng araw na naghahati sa langit sa dalawang bahagi: isang kulay orange at isang kulay blue na unti-unting nagiging purple. Nakakatuwang parang nag-aagawan ang liwanag at dilim... Hindi ko lubos maisip na nandito ako, isang taong takot sa pagbabago, at sa mga oras na ito e gandang-ganda ako sa pagbabago ng langit na pinapanood ko.
Hay... Sabi nga ni Sara, change is good. Change is my friend. Or something to that effect. Sorry Sara, bulok lang talaga ang memory ko.
^___^
Magkahalong pait at tamis pala ang malalasahan mo kapag nangungulila ka sa taong pinili mong iwanan. Parang sex na magkahalong hirap at sarap. (Edit: actually, nung una kong sinulat 'to kanina, may nakasulat pang "double-edged knife" pero hindi swak eh kaya di ko na lang sinama.)
Pero kailangan ito, itong pangungulila... Maaalala mo lahat ng pinagsamahan niyo, lahat ng away at kilig moments, pati yung wala lang moments na magkasama kayo precisely because magkasama kayo. At siyempre makikita mo ang lahat ng bagay na akala mo eh tama na ginawa mo pati na rin ang lahat ng bagay na akala mo naman ay hindi mo dapat ginawa. Puro akala 'no? Ano ba naman talaga ang batayan ng pagiging tama o mali ng ginawa mo kundi ang naging resulta at epekto nito sa kanya at sa lahat ng nasa paligid niya? Di ba?
Tapos.
02112004; 6:38PM
(Edit: I wonder kung merong salita para sa eksaktong oras na naramdaman mo ang sakit at sarap ng magkasabay?)
(Edit ulit: Ay shit. Alam ko na. :D)
Saturday, February 12, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment