Kakarating ko lang. Yari na naman ako sa Lola kong groovy, hindi ko kasi nasabing didiretso ako sa practice namin eh. Bahala na bukas, batiin ko na lang siguro ng "Good Morning!" tapos pagtitimpla ko ng kape. Ok na siguro 'yun.
^___^
Gising ako ng 10 kaninang umaga. Punta kasi akong Eastwood ng 2:15 para manood ng Finding Neverland (Ganda! Pramis! Nood kayo!). Tapos nag-text ba naman itong si Persia ng 11, sabi kung gusto ko raw ng raket, 250/hr, gagawa lang ako ng essay. E tatlong oras na lang yung natitira para makarating akong Libis at maliligo pa ako, kakain, bibiyahe... pero siyempre pera yun kaya hindi ko tinanggihan. Hehe.
Kaso nga lang, 1:30 ko na natapos ang essay, kaya ayun, nag-taxi ako pa-Libis. Kaya yung kinita kong 375 pesos eh naging 300 na lang. Pasaway pa tong loyal friend ko kanina sa practice kasi late na nga dumatin, ang arte pa pagdating sa mga choreography, kesyo corny daw ang action songs, kesyo OA naman daw sa dami yung hand gestures sa koro ng Kung Yong Nanaisin... Ewan ko lang ha.
Funny lang, sabi ni Tricia, ang cute ko raw mainis kasi namumula ako. Nanggagalaiti daw ba sa galit... Teorya ko sa lamig lang yun pamumula na yun, blood rush. Pero honga, nanggagalaiti nga ako kanina.
Hay, buti na lang mahal ko tong loyal friend ko na ito.
^___^
Total log ban ang topic, tapos yung essay ng tutee ni Persia na natanggap ko sa e-mail eh against total log ban. I-edit ko daw, gawin ko daw 2000 words. Tapos 1,450 words pa lang yung essay... ayuz. Saan ko pupulutin yung 500+ words di ba? Buti na lang against total log ban din ako, at sinuwerteng against total log ban din ang World Wildlife Fund at sa website nila, merong alternative solution na iminungkahi!
Well, totoo nga, may iba pa naman kasing paraan kesa sa knee-jerk reacction ng gobyernong ito sa sakunang nangyari sa Real at Infanta, Quezon. Meron ngang provisions na lumabas way back in 1996 tungkol sa isang national forest management strategy na tinatawang nilang Community Based Forest Management (CBFM). Simple lang yun, turuan ang mga indigenous peoples at mga local communities na nakasalalay ang buhay sa gubat na gumamit ng ating natural resources ng tama at may responsibilidad. Tutal karapatan naman natin at ng mga magiging supling natin ang magkaroon ng pagkukunan ng kabuhayan.
Problema kasi sa gobyernong ito, sa halip na pagigtinging mabuti ang pagpapatupad ng batas eh gawa na lang ng gawa ng panibagong mga batas na hindi naman nakakatulong sa atin. Gaya na lang ng extended VAT na yan, sus ko, eh hindi naman mayayaman ang tatamaan nun kasi yung mga luxury goods na walang VAT naman ang binibili ng mga yun. At kala ba nila eh mahihirap ang bumibili ng sariwang isda? Hindi no. Mas mahal kayang gumawa ng putahe mula sa sariwang kamatis at galunggong kesa bumili ng Ligo sardines. Eh ang sardinas eh may VAT; ibig sabihin dito pa lang ang mga mahihirap ang mas tatamaan ng VAT kesa sa mga mayayaman. At sino ang pinakatatamaan ng VAT na yan? Ang mga middle class, kasi lahat na lang ng bibilhin namin ay may VAT. Vwiset.
^___^
Sa wakas napanood ko na ang Finding Neverland.
Kaastigan.
Ang ganda ng pelikula. Simula pa lang, mapapangiti ka na agad sa musika na maririnig mo. Pagkatapos maaaliw ka sa relasyon ni James Barry (Johnny Depp) sa mga Davis boys na nakilala niya isang hapon sa park. Ang mga Davis boys na ito na anak ni Sylvia (Kate Winslet) ang siyang magiging basehan ng lahat ng characters sa play na Peter Pan. Mapapaluha ka rin naman sa lahat ng nakakaantig na eksena sa pelikula, lalo na nung pinapanood ni James kay Sylvia at sa Davis boys yung play.
Kaastigan talaga.
Manood na kayo. Now na.
^___^
Quote for the day:
"Bilis! Nasasayang ang puri namin sa'yo" -- nasambit ni Rose nang nagpaimportante ako at hindi ko kaagad nakanta yung parte ko sa Kung Yong Nanaisin.
Thursday, April 14, 2005
Monday, April 11, 2005
Binarog ng Tubo; Success!; Bakit May Kurtina Sa Pagitan Ng Binti Ni Darna?
Apparently, my blogging exercise didn't yield any fruit yesterday. I'm still lacking my creative juices. Oh well.
Sa totoo lang, gusto kong magsulat sa Tagalog kasi gusto kong gumawa ng kanta sa Tagalog. Kaya ngayon, sana ay pagtiyagaan niyo ang blog entry ko.
^___^
Wala akong makuwento. Napakaganda naman kasi ng araw na ito eh. Nagising ako ng alas-diyes ng tanghali, eh medyo masakit ang ulo ko na parang binarog ng tubo kaya natulog ako ulit. Napakagwapo ko naman kasi eh, natulog ako ng alas-tres ng umaga dahil gumagawa ako ng Noteworthy file ng Sana Maulit Muli, tapos naisip ko kinabukasan na hindi pala namin magagamit sa mga kasal yung kanta.
Kaya ayun. Tapos may magandang diwata na nagsabi sa akin ng pahapyaw na manood daw ako ng Queer Eye. Eh masunurin akong aso kaya ayun. Ang Tan-G.A. nung ni-makeover nila kanina, hindi marunong magluto ng spaghetti. Tapos ginawa pang stenographer yung jowa niya. Pero okay naman sa dulo, success na naman.
(Maiba lang, speaking of success, nakakatawa kanina, nanood ako ng National Geographic dahil sabi rin sa akin ng diwata, tapos meron akong nakitang dalawang Panda na nagmamahalan... Lam nyo na. Pagkatapos nilang gawin ang kelangan, sabi nung tagapag-alaga nilang Hapon, "It was a success! We've been waiting for that the whole day!". Ewan ko lang ha, pero kung marinig ko yun na sabihin ng nanay at tatay ko sa gabi ng honeymoon ko eh baka umurong... Lam nyo na.)
Pagkatapos nun, nag-online ako. May hinahanap akong dilag pero wala eh. Siguro tulog. Oh well. Nag-check lang naman ako ng mail, nakipag-usap kay Pashae at kay Lanie. Tapos nalaman kong di pala natuloy yung EK nina Lanie, Walter, Kelly at Joy nung sabado. Sayang naman pero buti na lang, di rin kasi ako pwede nun eh. Nagplaplano din pala ang barkada na mag-summer shebang sa Caliraya o kaya sa Puerto Galera. Pero sabi ko sa Caliraya na lang kasi walang moolah. Ewan ko ba, sana kahit minsan umulan ng pera. Kahit once lang. Tapos sana puro papel, at hindi tigpipiso, masakit yun.
^___^
Nanood nga pala ako ng sandali ng Darna kanina. Nakita ko na rin sa wakas si Angel Locsin in action. Ang masasabi ko lang ay ang mga sinabi ni Alex Anonas kanina sa YM conference namin: Ang laki! Nakakasilaw!
BTW, kanina ko pa iniisip kung bakit kelangang may puting kurtina sa pagitan ng mga binti ni Angel Locsin. Tingnan niyo ito.
At tsaka may tanong pa pala ako: kelangan pa ba talagang sumirko na parang nasa set ng Crouching Tiger para lang pumulot ng granadang itinapon sa loob ng MRT? Ewan ko lang sa mga writer at direktor ng Darna ha.

Sunday, April 10, 2005
Busy busy
Ano pa nga ba? Nakakaligtaan ko na namang magsulat.
Haven't been writing anything lately. Nakakairita na nga eh, I want to write but everytime I try to, I just couldn't. Like now, for example, I needed to blog for you guys to have something new to read and it took me a while to think of anything to write about...
Seriously though, I am blogging right now to exercise my hibernating brain cells, get into the groove and write some creative bullshit later tonight.
Oh well. I hope this works.
^____^
Busy week for the choir, we had almost everyday practices this past week in preparation for the ordination last saturday and the Tanging Yaman store opening in Gateway this coming saturday. Then the Pope died, so we had to squeeze in extra practices for the mass for the Pope in Gesu last thursday. Anyway, at least the Gesu mass last thursday was a success; as in we got a message from Fr. Danny saying, "Great singing!". I sure hope the Pope is quite pleased up there.
^____^
"All the world be glad! Let the sound of praise be heard!"
Sa wakas, nakaranas na rin ako ng ordinasyon ng mga pari. Nung sabado yun, kahapon, kumanta ang Canto Cinco kasama ang iba pang choirs ng Jesuit Music Ministry sa LHS, Ateneo, para sa ordination ng apat na bagong Jesuit priests. Astig yun! To sum it up, it was a great celebration: may nga sumayaw na nanood, bibong-bibo ang dating nung nag-speech na bagong pari, ganda ng kantahan, at astigin ang mga instrumentalists namin. Ganda talaga ng tunog ng isang malaking choir, pero medyo pumalpak lang kami sa various artists rendition namin ng "Kapayapaan", tanong niyo pa kay Noel Cabangon (sabi niya sa amin pagkatapos ng song eh, "Disaster 'no?" Btw, kasama din siya.)
Coolness. Sana maulit pa... At siyempre, pagdasal natin na dumami pa ang mga makasalanang sasama sa paglilingkod sa Diyos. Pagdasal nating lahat ang lahat ng kaparian at sana dumami pa sila.
^____^
I need money.
I need work.

Saturday, April 02, 2005
Canto Cinco (C5)
I'm proud to be part of Canto Cinco (C5) of the Jesuit Music Ministry...
May logo na kami! Ayuz!
Subscribe to:
Posts (Atom)