Kakarating ko lang. Yari na naman ako sa Lola kong groovy, hindi ko kasi nasabing didiretso ako sa practice namin eh. Bahala na bukas, batiin ko na lang siguro ng "Good Morning!" tapos pagtitimpla ko ng kape. Ok na siguro 'yun.
^___^
Gising ako ng 10 kaninang umaga. Punta kasi akong Eastwood ng 2:15 para manood ng Finding Neverland (Ganda! Pramis! Nood kayo!). Tapos nag-text ba naman itong si Persia ng 11, sabi kung gusto ko raw ng raket, 250/hr, gagawa lang ako ng essay. E tatlong oras na lang yung natitira para makarating akong Libis at maliligo pa ako, kakain, bibiyahe... pero siyempre pera yun kaya hindi ko tinanggihan. Hehe.
Kaso nga lang, 1:30 ko na natapos ang essay, kaya ayun, nag-taxi ako pa-Libis. Kaya yung kinita kong 375 pesos eh naging 300 na lang. Pasaway pa tong loyal friend ko kanina sa practice kasi late na nga dumatin, ang arte pa pagdating sa mga choreography, kesyo corny daw ang action songs, kesyo OA naman daw sa dami yung hand gestures sa koro ng Kung Yong Nanaisin... Ewan ko lang ha.
Funny lang, sabi ni Tricia, ang cute ko raw mainis kasi namumula ako. Nanggagalaiti daw ba sa galit... Teorya ko sa lamig lang yun pamumula na yun, blood rush. Pero honga, nanggagalaiti nga ako kanina.
Hay, buti na lang mahal ko tong loyal friend ko na ito.
^___^
Total log ban ang topic, tapos yung essay ng tutee ni Persia na natanggap ko sa e-mail eh against total log ban. I-edit ko daw, gawin ko daw 2000 words. Tapos 1,450 words pa lang yung essay... ayuz. Saan ko pupulutin yung 500+ words di ba? Buti na lang against total log ban din ako, at sinuwerteng against total log ban din ang World Wildlife Fund at sa website nila, merong alternative solution na iminungkahi!
Well, totoo nga, may iba pa naman kasing paraan kesa sa knee-jerk reacction ng gobyernong ito sa sakunang nangyari sa Real at Infanta, Quezon. Meron ngang provisions na lumabas way back in 1996 tungkol sa isang national forest management strategy na tinatawang nilang Community Based Forest Management (CBFM). Simple lang yun, turuan ang mga indigenous peoples at mga local communities na nakasalalay ang buhay sa gubat na gumamit ng ating natural resources ng tama at may responsibilidad. Tutal karapatan naman natin at ng mga magiging supling natin ang magkaroon ng pagkukunan ng kabuhayan.
Problema kasi sa gobyernong ito, sa halip na pagigtinging mabuti ang pagpapatupad ng batas eh gawa na lang ng gawa ng panibagong mga batas na hindi naman nakakatulong sa atin. Gaya na lang ng extended VAT na yan, sus ko, eh hindi naman mayayaman ang tatamaan nun kasi yung mga luxury goods na walang VAT naman ang binibili ng mga yun. At kala ba nila eh mahihirap ang bumibili ng sariwang isda? Hindi no. Mas mahal kayang gumawa ng putahe mula sa sariwang kamatis at galunggong kesa bumili ng Ligo sardines. Eh ang sardinas eh may VAT; ibig sabihin dito pa lang ang mga mahihirap ang mas tatamaan ng VAT kesa sa mga mayayaman. At sino ang pinakatatamaan ng VAT na yan? Ang mga middle class, kasi lahat na lang ng bibilhin namin ay may VAT. Vwiset.
^___^
Sa wakas napanood ko na ang Finding Neverland.
Kaastigan.
Ang ganda ng pelikula. Simula pa lang, mapapangiti ka na agad sa musika na maririnig mo. Pagkatapos maaaliw ka sa relasyon ni James Barry (Johnny Depp) sa mga Davis boys na nakilala niya isang hapon sa park. Ang mga Davis boys na ito na anak ni Sylvia (Kate Winslet) ang siyang magiging basehan ng lahat ng characters sa play na Peter Pan. Mapapaluha ka rin naman sa lahat ng nakakaantig na eksena sa pelikula, lalo na nung pinapanood ni James kay Sylvia at sa Davis boys yung play.
Kaastigan talaga.
Manood na kayo. Now na.
^___^
Quote for the day:
"Bilis! Nasasayang ang puri namin sa'yo" -- nasambit ni Rose nang nagpaimportante ako at hindi ko kaagad nakanta yung parte ko sa Kung Yong Nanaisin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment