Friday, June 17, 2005

Ingay; Dream Jobs; Happy for Hunnie

7:22 AM

Sa Labas ng SSS Lucena

Shit. Ang aga ko.

Ang init dito, grabe.

Ang ingay sa Lucena sa umaga, puro tricycle ang maririnig mo.

Dumadami na ang tao dito sa labas, buti na rin pala maaga na ako dumating.

Hay…

^___^

On Monday, working doogi na si Woofy.

Quality Assurer ng GSMI Lucena Plant. Naks! Quality Assurer. Not really my dream job but this will do for the meantime. Good naman ang pay for a contract job, and I’ll only be away from Manila for only 5mos. Plus, I get to live with my parents and get reacquainted with the people, the culture, and the laidback lifestyle here in Quezon.

Come to think of it, ano nga ba ang dream job ko?

Noong bata ako, gusto kong maging scientist. Walang specific field, basta scientist; as if ganoon kadali iyon. Noong mga panahon na iyon kasi, hindi ko pa alam kung ano ang engineer. Ngayon alam ko na, laking kaibahan pala ng engineer sa scientist. Nyahaha! Anyway, let me make a list of my dream jobs tutal wala naman akong magawa ngayon…

  1. video game designer
  2. recording artist (dream in progress)
  3. owner/CEO ng San Miguel Corporation
  4. owner/CEO ng Jolibee Corporation (Walang kokontra, dream job nga eh)
  5. astronaut
  6. Don Carlos Palanca Award winning writer
  7. Comic book store owner
  8. Publisher of cutting-edge Pinoy comic books and my own hobby magazine
  9. Animated film producer / owner of an animation studio
  10. Asawa ni Hunnie at tatay ng little Woofies and little Hunnies

^___^

Pocha naman o, ang tagal magbukas ng SSS.

Ang cute ng Hunnie ko kahapon, nagfreakout dahil sa isang interview… wait, hindi pala cute yun. What I meant was nakakaaliw siyang magfreakout, nahihibang na madrama and all… Naisip ko lang na hindi ko pa siya nakikitang ganoon. Worried pa naman ako dahil hindi ako sanay kapag nagfrea-freakout siya. Oh well, at least she was fine later that night. Her story about how the interview went was quite amusing, as in everytime daw may tanong sa kanya, ang una niyang naiisip na sagot ay sarcastic answer tapos biglang mare-realize niya na, oo nga pala, kailangan ko palang galingan.

Hay… Hunnie ko. Hibang.

Btw, malapit na siyang magkaroon ng work… Yay! Kahit hindi iyon ang preferred job niya sana, proud pa rin ako sa kanya. Kahit na disaster ang interview niya, mukhang kukunin naman siya talaga kaya masaya naman ako…

Happy for you Hunnie. :)

No comments: