Natapos ko na sa wakas ang papers ko today…
Nakakapagod pala mag-drive ng halos buong araw…
Pasaway pa kasi under ako sa agency, eh tinatawagan ko kanina, walang sumasagot. Sana naman sa pagdaan ko doon bukas, may tao.
Excited na ako para sa Lunes, mukhang masaya ang work. Mabusisi pero masaya.
Sana sa Lab ako ma-assign…
^___^
Na-miss ko Hunnie ko today.
Siya kasi ang nag-introduce sa akin ng Belgian Bites ng Mister Donut.
Eh sobrang pagod ako kanina sa SM nang nakakita ako ng Belgian Bites…
Kaya ayun. Nangulila.
Hay…
Bwiset iyon, sira iyong coffee machine nila. Mahal na mahal ko pa man din ang coffee ng Mister Donut. It’s not Starbucks pero lasang brewed naman ang coffee nila (malay ko ba kung brewed nga iyon), tapos mura pa!
Naalala ko tuloy iyong review days ko sa Brains. Sa Quezon Ave kasi ang class, tapos para makarating doon, sumasakay ako ng bus sa EDSA tapos bumaba ng Quezon Ave tapos naglalakad. Eh umaga iyon, siyempre antok pa ako kaya ang ginagawa ko, bumibili ako ng kape sa Mister Donut tapos dadalhin ko sa class. Naiinggit nga sa akin si Joy sa tuwing may dala akong ganoon.
Btw, Joy, hindi ka pa nanlilibre!
^___^
Weirdo ng nanay ko. Nagpakananay talaga siya sa akin ngayong araw na ito, as in gusto niya akong samahan sa lahat ng pupuntahan ko at aayusin na papers tapos ang kulit-kulit magtanong ng mga kulang pang papers. Tapos lahat na lang yata ng kakilala sa ganitong office eh iniisip para madalian daw ako sa proseso, eh yun naman yung ayaw ko, yung naghahanap ng pakikiusapan para mapadali ang lahat.
Si Mama talaga.
^___^
Tatay ko naman, tatay talaga. Hinahayaan lang ako sa mga bagay-bagay na gusto kong gawin, wala masyadong sinasabi sa kung ano man ang gusto niya para sa akin. Mas maingay pa nga si Mama about me not working and being in a choir than Papa .
Siguro kasi musikero din ang tatay ko kaya naiintindihan niya ako. Tsaka groovy si Papa, nakaka-appreciate yun ng music ko, be it Liturgical, Pop, Acoustic, Rock… Basta yung mga uso ngayon, nakakarelate yun. Favorite nga nun ang MYMP at ang South Border.
Ang pinakapriority ng tatay ko sa buhay ay ang magtrabaho ng trabaho para mapakain kami, tapos kapag may opportunity na lumabas at makasama ang family, kinukuha niya lagi. Walang pagod din yung mag-drive papuntang Manila at sobrang worried sa mga anak niya lalong lalo na sa only daughter niyang kasama niya for 16 years na ngayon ay nasa dorm na sa Manila.
Physician ang tatay ko at sobrang mahal yun ng mga pasyente niya. Ang pinakamatanda niyang pasyente ay 94 years old; bilib ako sa doon at may pasyente pa siyang ganoon na katanda, parang Fountain of Youth yata si Papa kapag nagpagamot ka sa kanya.
Kaya sa tatay kong groovy, musikero, doctor at ama,
Happy Father’s Day!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment